1
Una: Kailangan sa nananalangin ang purong layunin na tanging para lamang sa Allah –ta'ala–, at alam niya nang mayroong katiyakan na tanging ang Allah –ta'ala– lamang ang Nag-iisang may kakayahan na sagutin ang kanyang panalangin, kaya't hindi siya nananalangin sa iba maliban sa Allah –ta'ala– at hindi nakikiusap sa iba na maging tagapamagitan, maging propeta man, o isang banal, o kaya'y anghel, o kaya'y matuwid na lingkod, o kahit sino pa man, Sinabi ng Allah –ta'ala– : .
﴿فَٱدۡعُواْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ) .
Na sa salin ng kahulugan: .
Kaya't manalangin kayo sa Allah ng taos-pusong para lamang sa Kanya, at Kanya rin ang pamamaraan ng Pagsamba.
[Salin ng Kapaliwanagan < Qur'an: Ghafir: 14]