1

Ang Pagpuri na nararapat sa Allah ay tanging Kanya lamang, Ang Panginoon ng mga sanlibutan, at ang Pagpapala at Kapayapaan ay mapasa Kanyang Marangal na Sugo, at sa kanyang pamilya at lahat na kanyang mga kasamahan. Ito ay isang kapaki-pakinabang na aklat kung saan maraming mga uri ng mga panalangin (papuri sa Allah –ta'ala–, mga panalangin mula sa Qur'an, mga panalangin ng Nabiyy –salla-llahu 'alayhi wa sallam–, ang mga panalanging pagpapaprotekta ng Nabiyy –salla-llahu 'alayhi wa sallam–, at ang 'Ruqyah' sa lehitimong kapamaraanan, at ang mga panalanging pag-alaala sa umaga at gabi) pati na rin ang mga mabubuting-asal sa pananalangin, at iningatan kong piliin ang awtentik na mga panalangin. Upang magsumikap ang isang Muslim sa pananalangin tulad ng nabanggit sa Qur'an at Sunnah na mga panalangin na pinagsama ang maraming mga kabutihan, at inihanda ko ang bawat panalangin na nakasulat sa wikang Arabik at isinalin sa wikang Tagalog at isinulat ang pagbigkas ng panalangin na ito, at binanggit ko ang wastong pagkakaulat na awtentik ang mga hadith hinggil sa mga panalangin sa hulihan ng libro, at hinihiling ko sa Allah –ta'ala– na gawing dalisay ang gawaing ito na para lamang sa Kanyang ikalulugod, at pagpalain ng Allah ang ating Propeta na si Muhammad at ang kanyang pamilya at lahat ng kanyang mga kasamahan.

Dr. Abdullah bin Hamoud Al-Farih

1/1