﴿اللَّهُ لَا إِلَهَ إِلَّا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ لَا تَأْخُذُهُ سِنَةٌ وَلَا نَوْمٌ لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ مَنْ ذَا الَّذِي يَشْفَعُ عِنْدَهُ إِلَّا بِإِذْنِهِ يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يُحِيطُونَ بِشَيْءٍ مِنْ عِلْمِهِ إِلَّا بِمَا شَاءَ وَسِعَ كُرْسِيُّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَلَا يَئُودُهُ حِفْظُهُمَا وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ﴾ [سورة البقرة: ٢٥٥]
Ang basahin ang Ayaatul-Kursi ng isang beses
Ang Allah, walang sasambahin maliban sa Kanya lamang, Ang ‘Al-Hayy’— laging buhay magpakailanman. ‘Al-Qayyum’ — nagpapanatili sa lahat at namamahala sa lahat. Hindi Siya dinadatnan ng Antok at Tulog. Kanyang pagmamay-ari ang lahat ng nasa mga kalangitan at lahat na nasa kalupaan. Walang sinuman ang maglalakas-loob na mamagitan sa Kanya maliban sa Kanyang kapahintulutan. Saklaw ng Kanyang kaalaman ang lahat ng mga nilikha – ang mga nangyari't nangyayari, at ang mga mangyayari pa lamang.
At walang sinuman ang nakababatid ng anuman mula sa Kanyang kaalaman maliban na lamang sa ninais Niyang makaalam. Sakop ng Kanyang ‘Kursi’ ang mga kalangitan at ang kalupaan. At walang kahirap-hirap para sa Kanya ang pangangalaga ng mga ito. At Siya ay ang ‘Al-`Alee’ – ang nasa Pinaka Kataas-taasan na angkop sa Kanyang Kadakilaan. At ang ‘Al-`A-dheem’ – nasa Kanya ang kabuuan ng lahat ng Pinakadakilang Katangian.