12

• May mga kundisyon at babala na dapat sundin sa pagsagawa ng 'Ruqyah', katulad ng mga sumusunod:

1- Na ang ruqyah ay tunay mula sa Qur'an at Sunnah, malayo sa 'Shirk' at mga inobasyon pagbabago at mga ipinagbabawal na bagay, maging sa pamamaraan man nito o sa mga salitang nilalaman nito.

2- Na ang Muslim ay tumatalima sa kanyang Panginoon at nananalig sa Kanya, at nakakaalam na ang 'Ruqyah' ay isang dahilan na walang epekto maliban sa pahintulot ng Allah —ta'ala —

3- Hindi siya pupunta sa ruqyah para lamang na masubukan, ngunit sa halip ay dapat siyang naniniwala sa epekto nito, ang tagataguyod ng 'Ruqyah' at tagapagtaguyod ay maniwala sa epekto ng 'Ruqyah' at ang paggaling dito

4- Ang Qur'an, lahat ng mga talata nito, ay nakapagpapagaling. Sinabi ng Allah —ta'ala —:

وننزل من القرآن ما هو شفاء ورحمة للمؤمنين

Na sa salin ng kahulugan:

(At ipinahayag namin mula sa Qur'an mga nakapagpapagaling at habag sa mga naniniwala). At ang mga tinukoy bilang 'Ruqyah' ay mas mauna.

5- Mas mabuti na ang may sakit mismo ang magsagawa ng 'Ruqyah' para sa kanyang sarili, sapagkat ito ay mas mabisa at higit na mas tapat sa pagpapahayag ng pangangailangan sa Panginoon, dahil ang presensya ng puso at sinseridad ng layunin ay magdulot ng bisa sa 'Ruqyah'.

12/12