9
Ang maglaman ang kanyang panalangin ng pagpuri at pagdakila sa Allah -ta'ala-, sapagkat kamahal-mahal sa Allah -ta'ala- na ang Kanyang tagapagsamba ay sumasamba na may pagpupuri para sa Kanya. Ang sambahin Siya sa pamamagitan ng pagpupuri sa Kanya, at kung hindi man magkagayun, tunay na Dakila ang Allah na hindi Niya kinakailangan ang Kanyang mga tagapagsamba. Kaya sa isang Hadith na naiulat sa Dalawang 'Sahih' isinalayasay ni Ibn Mas'ud na Sinabi ng Nabiy -salla-llahu 'alayhi wa sallam- :
"وَلَا أَحَدٌ أَحَبَّ إِلَيْهِ الْمَدْحُ مِنَ اللهِ وَلِذَلِكَ مَدَحَ نَفْسَهُ"
Na ang salin nito:
Walang sinuman ang mas higit na may gusto ng pagpupuri kaysa sa Allah, at dahil diyan ay pinupuri Niya ang Kanyang sarili.