Ang ilihim ang kanyang panalangin at huwag itong ilantad, base sa sinabi ng Allah –ta'ala–:
(ادْعُواْ رَبَّكُمْ تَضَرُّعاً وَخُفْيَة)
[Qur'an: Al-A'raaf: 55]
Na sa salin ng kahulugan:
"Manalangin kayo sa inyong Panginoon nang buong kataimtiman at kapakumbabaan at palihim".
At ang patagong panalangin ay malapit sa 'Ikhlas' (katapatan ng layunin na tanging para lamang sa Allah), kung kaya't pinuri ng Allah -azza wa jalla- ang pananalangin ni Zakaria -sumakanya nawa ang kapayapaan- dahil dito at Kanyang sinabi:
﴿ إِذْ نَادَى رَبَّهُ نِدَاء خَفِيّاً )
[Qur'an: Maryam: 3]
Na sa salin ng kahulugan:
"Nang siya ay nanalangin sa kanyang Panginoon, ng panalanging palihim".
Ninanais dito ang 'Ikhlas', ayon sa isa sa mga sinabi ng mga dalubhasa sa 'Tafsiir' —o kapaliwanagan ng Kahulugan ng Qur'an.