7

Ang ulit-ulitin ang mga sinasabi sa panalangin at patuloy na ihiling sa Allah -ta'ala- nang masinsinan ang kahilingan, Base sa hadith na isinalaysay ni Ibnu Abbas - radiya-llahu 'anhuma- patungkol sa panalangin ng Nabiy -salla-llahu 'alayhi wa sallam- para sa kanyang mga kasamahan sa Badr, kung saan sinabi niya: .

"اللهُمَّ أَنْجِزْ لِي مَا وَعَدْتَنِي، اللَّهُمَّ آتِ مَا وَعَدْتَنِي".

Na ang salin nito: "O Allah tuparin Mo po para sa akin ang Iyong naipangako, O Allah ipagkaloob Mo po sa akin ang Iyong pangako", at patuloy siyang tumatawag sa kanyang Panginoon hanggang nahulog ang kanyang kapa mula sa kanyang balikat, at si Abu Bakr na namamalaging kasama niya ay nagsasabi na: "O Propeta ng Allah sapat na po ang iyong pagsusumamo sa iyong Panginoon." .

(Salin ng Hadith na iniulat ni Muslim 1763) .

At ganoon din ang nasa dalawang Sahih, mula sa Hadith na isinalaysay ni Abu Hurairah -radiya-llahu 'anhu- nang nanalangin ang Nabiy -salla-llahu alayhi wa sallam- para sa tribu ng Daws, kanyang sinabi: .

اللهم اهْدِ دَوْساً وائْتِ بهم.

Na ang salin nito: "O Allah, patnubayan Mo po ang tribu ng Daws, at dalhin Mo po sila sa Islam, O Allah, patnubayan Mo po ang tribu ng Daws, at dalhin Mo po sila sa Islam."

7/10