6

Ang manalangin sa Allah –ta'ala– sa pamamagitan ng Kanyang Pinakamagagandang mga Pangalan, at pag-iba-ibahin na maging naaangkop sa pinapanalangin. Kaya kung hihiling sa Allah -ta'ala- ng biyaya, sinasabing: Yaa 'Razzaaq' — Ang Tagapagbigay ng Biyaya. Kung hihiling sa Allah -ta'ala- ng habag, sinasabing: Yaa 'Rahman' — Ang Lubos na Mahabagin, Yaa'Raheem' —Ang Lubos na Maawain. Kung hihiling sa Allah -ta'ala- ng kapangyarihan, sinasabing: Yaa 'Azeez' — Ang Lubos na Makapangyarihan. Kung hihiling sa Allah -ta'ala- ng kapatawaran, sinasabing: Yaa 'Ghafuur' — Ang Lubos na Nagpapatawad. Kung hihiling sa Allah –ta'ala– ng lunas sa karamdaman, sinasabing: Yaa 'Shaafi' — Ang Lubos na Nagbibigay Lunas. At ganoon manalangin na maging angkop sa ipinapanalangin; Base sa sinabi ng Allah -ta'ala- : .

َلِلّهِ الأَسْمَاء الْحُسْنَى فَادْعُوهُ بِهَا) .

[Qur'an: Al-A'raaf: 180] .

Na sa salin ng kapaliwanagan: .

Kay Allah ang mga Pinakamagagandang mga Pangalan kaya't manalangin kayo sa pamamagitan ng mga ito.

6/10