Ang manalangin sa Allah –ta'ala– na may positibong pag-iisip tungkol sa Kanya at nakatitiyak na ang panalangin ay sasagutin, at hindi nagmamadali na masagot ang panalangin, ngunit nakatitiyak na sasagutin ng Allah –ta'ala– ang kanyang panalangin. Ayon kay Abu Hurairah, na ang Nabiy -salla-llahu alayhi wa sallam- ay nagsabi: .
«لَا يَزَالُ يُسْتَجَابُ لِلْعَبْدِ، مَا لَمْ يَدْعُ بِإِثْمٍ أَوْ قَطِيعَةِ رَحِمٍ، مَا لَمْ يَسْتَعْجِلْ».
Ang panalangin ng isang tagapagsamba ay patuloy na tinutugunan, hangga't hindi nanalangin ng pagkakasala o pagputol ng ugnayan ng kamag-anakan, basta't hindi nagmamadali" (Salin ng Hadith), at naitanong: O Sugo ng Allah ano po ang pagmamadali? At kanyang sinabi: .
«يَقُولُ:قَدْ دَعَوْتُ وَقَدْ دَعَوْتُ، فَلَمْ أَرَ يَسْتَجِيبُ لِي، فَيَسْتَحْسِرُ عِنْدَ ذَلِكَ وَيَدَعُ الدُّعَاءَ».
Sinasabi ng nananalangin: "nanalangin ako talagang nanalangin ako, ngunit hindi ko nakita na sinasagot ako," kaya't siya ay titigil na dito at iiwan na niya ang pananalangin.