4

Ang simulan ang kanyang pananalangin sa pagpuri sa Allah -azza wa jalla- at manalangin para sa Kanyang Sugo -salla-llahu 'alayhi wa sallam- , base sa Hadith na isinalaysay ni Fadaalah bin Ubaid, naging kasa-kasama siya ng Sugo ng Allah -salla-llahu 'alyhi wa sallam- , kanyang sinabi na: narinig ng Sugo ng Allah -salla-llahu 'alayhi wa sallam- ang isang tao na nananalangin sa kanyang pagdarasal na hindi nagbanggit ng pagpuri sa Allah -ta'ala- at hindi nagbanggit ng panalangin para sa Nabiy -salla-llahu 'alyhi wa sallam- kaya't sinabi ng Sugo ng Allah -salla-llahu 'alayhi wa sallam- : .

«عَجِلَ هَذَا».

"Ang isang 'to ay nagmamadali," At pagkatapos ay tinawag siya at sinabi sa kanya: .

«إِذَا صَلَّى أَحَدُكُمْ، فَلْيَبْدَأْ بِتَمْجِيدِ رَبِّهِ جَلَّ وَعَزَّ، وَالثَّنَاءِ عَلَيْهِ، ثُمَّ يُصَلِّي عَلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، ثُمَّ يَدْعُو بَعْدُ بِمَا شَاءَ».

"Sinuman sa inyo ang manalangin, simulan niya ito sa pagdakila sa kanyang Panginoong Allah -azza wa jalla-, at pagpuri sa Kanya, at pagkatapos ay sundan niya ng panalangin para sa Nabiy, pagkatapos ay isunod niya ang panalanging kanyang ninanais,"

Kaya't kung sinimulan ito ng pagpuri sa Allah, lalo na kung ito'y mula sa mga Ayat ng pagpuri na nakasaad sa simula ng mga Surah, at gayun din ang pagpuri na binigkas ng Nabiy –salla-llahu 'alayhi wa sallam– (at atin itong pag-usapan dito), pagkatapos ay sundan ng panalangin na para sa Nabiy –salla-llahu 'alayhi wa sallam– naging mas malapit sana ito sa kasagutan.

4/10