Ang pagtaas ng dalawang kamay.
Ang dalawang sunnah na ito ay ipinahiwatig ng hadith na isinalaysay ni Abdullah bin Abbas –radiya-llahu 'anhuma– sabi niya na: "Isinalaysay sa akin ni Umar ibn al-Khattab - radiya-llahu 'anhu - kanyang sinabi na: Noong araw ng Badr, tiningnan ng Sugo ng Allah - salla-llahu 'alayhi wa sallam - ang mga 'mushrikun' at sila ay nasa isang libo ang dami, at ang kanyang mga kasamahan ay tatlong daan at labing-siyam na kalalakihan, kaya't humarap ang Nabiy ng Allah sa Qiblah, pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang dalawang kamay, at siya'y tumawag sa kanyang Panginoon: .
" اللهُمَّ أَنْجِزْ لِي مَا وَعَدْتَنِي، اللَّهُمَّ آتِ مَا وَعَدْتَنِي.." .
"O Allah tuparin Mo po ang ipinangako Mo sa akin, O Allah, ipagkaloob Mo po ang ipinangako Mo sa akin".