Ang manalangin habang nasa kalagayan ng kalinisan, Kaya't isagawa ang 'wudu' na paghuhugas katulad ng paghuhugas na para sa Salah.
Ito ay base sa hadith na isinalaysay ni Abu Musa - radiya-llahu 'anhu - na naiulat sa dalawang Sahih, at kanyang ikwinento ito kasama ang kanyang tiyuhin na si Abu Amer - radiya-llahu 'anhu - at sa hadith itinagubilin ni Abu Amer kay Abu Musa na hilingin sa Nabiy -salla-llahu alayhi wa sallam- na manalangin para sa kanya, kaya ipinaalam ito ni Abu Musa, 'ika nya: Siya ay humiling ng tubig, at nagsagawa ng wudu na paghuhugas mula rito, pagkatapos ay kanyang itinaas ang kanyang dalawang kamay, at kanyang sinabi: "الّلهُمَّ اغْفِرْ لِعُبَيْدٍ، أَبِي عَامِرٍ" .
"O Allah patawarin Mo po si 'Ubayd Abu Amir." Hanggang nakita ko ang puti ng kanyang kilikili, at kanyang sinabi:
"اللّهُمَّ اجْعَلْهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فَوْقَ كَثِيرٍ مِنْ خَلْقِكَ، أَوْ مِنَ النَّاسِ".
"O Allah ipangyari na sa Araw ng Paghuhukom siya'y nasa ibabaw ng Iyong maraming nilikha, o mga tao."